Thursday , June 4 2026

Live viewing ng OTWOL, masasaksihan ngayon!

00 fact sheet reggeeBAGO nila amining sila na nga sa totoong buhay ay pinuno ng sikat na loveteam at On the Wings of Love stars na sina James Reid at Nadine Lustre ang Smart Araneta Coliseum sa kanilang sold-out concert na  JaDine in Love na ginanap noong Sabado (Feb 20).

Hindi binigo ng tambalang JaDine ang kanilang loyal fans sa kanilang kauna-unahang major concert na nagpamalas ng matinding kilig sa mga manonood.

Isa sa pinakatinilian at pinagkaguluhan ng lahat ay ang eksenang kasalan nina James at Nadine na nag-slow dance ang dalawa sa saliw ng awiting  On the Wings of Love na inawit ng Queen of RnB na si Kyla.

022616 jadine 2Puro hiyawan at tilian naman ang narinig sa Big Dome sa pagsambit ni James ng mga katagang ”I love you” sa kanyang katambal na dahilan para lalong kiligin ang kanilang mga tagahanga.

Hinarana ni James ang buong Araneta sa pagkanta niya ng mga pinakapaboritong OPM songs at pag-indak sa mga pinakasikat na kanta ni Michael Jackson. Ipinakita niya rin ang kanyang swabeng boses at galaw sa isang Justin Biebertribute na nagpahanga sa JaDine fans.

Hindi rin naman nagpahuli si Nadine na kinanta naman ang kanyang hit song naPara-Paraan at humataw sa pagsayaw ng Jennifer Lopez hit na Get Right. Isang madamdaming performance rin ang kanyang inihandog sa pag-awit niya ng OPM classic na Kanlungan na inialay niya sa kanyang lola.

Kasama rin sa kiligan ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, Elmo Magalona, Yassi Pressman, at Myrtle Sarrosa.

Sa pagtatapos ng concert, lubos ang pasasalamat nina James at Nadine sa nag-uumapaw na suporta ng kanilang fans at sa patuloy ng pagtutok ng lahat sa nalalapit na pagtatapos ng On The Wings of Love.

At ngayong Biyernes (Feb. 26), magaganap ang live viewing party ng finale episode ng On the Wings of Love kasama ang buong cast ng serye sa Ynares Center sa Antipolo, 7:00 p.m..

Upang makakuha ng libreng tickets, sumugod sa Ynares Center sa Biyernes (Feb. 26) simula 1:00 p.m. at tunghayan ang engrandeng pagtatapos ng hit teleserye.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …