Sunday , March 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caida Tiles vs UP QRS Jamliner

KAPWA naghahangad ng ikalawang sunod na panalo ang Caida Tiles at UP QRS Jamliner na magsasalpukan sa  PBA D-League Aspirants Cup mamayang 4 pm sa  Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Sa unang laro sa ganap na 2 pm, magtutuos naman ang AMA University Titans at Mindanao Aguilas  na nais na buhayin ang pag-asang makarating sa quarterfinals.

Matapos na mapatid ang three-game winning streak nang maungusan ng Cafe France (90-87) ay nakabawi ang Tile Masters sa pamamagitan ng masterful 108-91 panalo kontra Phoenix Accelerators noong Pebrero 15.

Sa araw na iyon ay nagwagi rin ang UP QRS Jamliner kontra sa Mindanao Aguilas, 100-75 upang makabangon sa 98-84 kabiguang sinapit buhat sa Phoenix-FEU. Ang Fighting Maroons ay may 3-2 record.

Kontra sa Phoenix, ang Caida Tiles ay pinamunuan ng Southeast Asian Games veteran na si Jiovani Jalalon na nagtala ng 21 puntos. Limang iba pang Tile Masters ang nagtapos nang may double figures sa scoring at ito ay sina  Philip Paniamogan (19), Jayson Perkins (12),  Jonathan Grey (11), Rey Nambatac (11) at Chris Javier (10).

Ang mga estrelya ni UP coach Bert dela Rosa ay sina Kevin Ferrer,  Paul Desiderio, Raymond Aguilar at Juneric Baloria.

Ang AMA Titans at Mindanao Aguilas ay kapwa may iisang panalo sa limang laro. May tatlong laro pa sila at kailangang mawalis nila ito upang makarating sa susunod na yugto.

Si AMA coach Mark Herrera ay sasandig kina Mark Romero, Julian Sargent, Bobby Balucanag, Jammer Jamito at Rashawn MaCarthy.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Pilipinas pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup

Pilipinas pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup

GOLD COAST — Nagningning ang beteranang sina Angela Beard at Jacklyn Sawicki sa ikalawang bahagi …

Growee-Manila Swim Meet TOPS

27 koponan, aarangkada sa Growee-Manila Swim Meet

TINATAYANG mahigit 300 batang atleta mula sa 27 koponan ang magtatagisan ng husay sa nalalapit …

AFC Womens Asian Cup Australia PH vs Uzbekistan

PH haharap sa Uzbek White Wolves para sa puwesto sa World Cup

SASAILALIM sa matinding pagsubok ang Philippine national women’s football team sa pagharap laban sa Uzbekistan …

TOPS Tabloids Organization in Philippine Sports

Manila Swim Meet sa TOPS Usapang Sports

SENTRO ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ …

volleyball all star Candon City Ilocos Sur

Candon City, magho-host sa pagbabalik ng Volleyball All-Star event

MAGBABALIK ang inaabangang Volleyball All-Star Showcase kung saan muling magsasama-sama ang mga star ng propesyonal …