Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kazakh rider lumalapit sa titulo

MAY isa pang lap pero malinaw na kung sino ang magkakampeon sa nagaganap na Le Tour de Filipinas.

Aksidente na lang ang maaaring makapigil kay Oleg Zemlyakov ng Kazakhstan sa asam na titulo dahil masyadong malayo sa kanya ang pagitang oras ng kanyang mga katunggali.

”Siguro aksidente na lang ang magiging sagabal kay Zemlyakov para mag-champion,” ani race comptroller Paquito Rivas, 1979 Marlboro Tour champion.

Pero ayon kay Rivas ay malabong mangyari ang aksidente dahil maganda at makinis ang daan sa paghaharurutan ng mga siklista sa Legazpi City-Legazpi City 4th & final stage kung saan ay background ang Mayon Volcano sa lungsod na kabisera ng Albay.

Ang 160.20-kilometer final stage na lang ang naghihiwalay kay Zemlyakov at sa korona ng race na hatid ng Air21 at binasbasan ng International Cycling Union at inorganisa ni Donna May Lina ng Ube Media.

Si  Zemlyakov ay kasama ng 10-man, third group ng tawirin ang finish line sa oras na 3 minutes at 10 seconds sa likod ni stage winner Australian Wesley Sulzberger.

Tangan pa rin ng Kazakh ang 19-second lead kay Vino 4-Ever SKO teammate at countryman Yevgeny Gidich at 22 kay Aussie Jesse James Ewart ng 7 Eleven-Sava RBP squad.

Taas ng bahagya si Rustom Lim mula 10th pa-ninth spot sa 13:45.26 habang galing sixth ay bumaba sa seventh si Felipe Marcelo ng 7 Eleven.

Malaki ang panghihinayang ni Baler Ravina ng 7-Eleven­ sa kabiguang madale ang Daet-Legazpi leg dahil ang tiyempong 4:28:15 ay tersera lang lang sa likod ni Guy Kalma ng ATG (4:27:57).

“Pinilit kong kunin pero hindi ko nagawa,” anang 34-anyos na si Ravina, 2012 winner mula Asingan, Pangasinan. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Philippine Golf Championship

Philippine Golf Championship, bubuksan ang Asian Tour Season

NAKAHANDA na ang tanghalan habang mahigit 130 manlalaro ang maglalaban-laban sa Philippine Golf Championship na …

Slasher Cup

46 Entry Magtutuos sa Grand Finals ng World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa Araneta

AABOT sa 46 na entry ang maglalaban-laban ngayong araw sa grand finals ng kauna-unahang edisyon …

Camila Osorio Donna Vekic PWO

Vekic tinalo sa tatlong set
Osorio itinanghal bilang kauna-unahang kampeon ng Philippine Women’s Open

NAGPAKITA ng katatagan at husay ang Colombian na si Camila Osorio matapos makabawi mula sa …

Donna Vekic Camila Osorio Eudice Chong Liang En-Shou

Vekic, Osorio magtatagisan para sa korona ng Philippine Women’s Open sa singles; Chong, Liang wagi sa Doubles

NAGTALA ng magkaibang panalo sina Donna Vekic ng Croatia at Camila Osorio ng Colombia kahapon, …

Alex Eala Parents

Ama ni Eala pinuri ang PSC

WALANG iba kundi si Mike Eala, ama ng tennis star na si Alex Eala, ang …