A Dyok A Day: Ubas

Isang araw..

BATA: Manong, meron po ba kayong ubas

MANONG: Wala

Kinabukasan…

BATA: Manong meron po ba kayong ubas

MANONG: Wala!

Kinabukasan ulet…

BATA: Manong meron po ba kayong ubas?

MANONG: Wala nga eh! Isa pang tanong at iisteypelerin ko na ‘yang bibig mo!!!!!!!

Kinabukasan ulet…

BATA: Manong, may stapeler po kayo?

MANONG: Wala

BATA: Meron po ba kayong ubas?

***

Battle of the Brainless

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?

Clue: Nagsisimula sa letrang “B” (Beach).

A: Sa Banyo.

Q: Hindi, pag pumunta ka roon naaarawan ka.

A: Bubong.

Q: Hindi pa rin. Pag nandoon ka marami kang makikita na mga babaeng naka-bikini.

A: Ahhhhhh… sa Beerhouse!

HOST:Ano ang tawag sa taong sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?

Clue: “L” ang simula ng pangalan niya. (Lifeguard).

CONTESTANT: Lifebouy?

HOST: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang tawag sa taong ito.

CONTESTANT: Safeguard.

HOST: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag pinagsama mo ang dalawang sagot mo.

CONTESTANT: Safeboy?

HOST: Hindi siya boy, matipuno ang kanyang katawan.

CONTESTANT: Ahhh… si Mr. Clean.