Monday , May 6 2024

Malou Santos, pinangalanang COO ng Star Creatives

INANUNSIYO ng ABS-CBN Corporation ang pagtatalaga kay Malou Santos bilang chief operating officer (COO) ng Star Creatives simula Pebrero 15, 2016.

Bilang COO ng Star Creatives, patuloy na pamamahalaan ni Malou ang paggawa ng mga de-kalibreng pelikula, primetime teleserye, at multi-platform na Pinoy music. Patuloy din niyang palalakasin ang Star Music sa pamamagitan ng live events production, radio programming, at artist development and management.

Sa ilalim ng pamumuno ni Malou, naging pinakamatagumpay na film studio sa bansa ang Star Cinema na handog ang de-kalidad na pelikulang patok sa panlasang Pinoy. Tumabo rin sa takilya ang mga pelikula ng Star Cinema, patunay ang 10 highest-grossing Filipino movies of all time na naprodus nito, kabilang na ang “Beauty and the Bestie,” ang highest-grossing na Filipino film sa kasaysayan, pati na ang “A Second Chance,” ang highest-grossing non-Metro Manila Film Festival local film sa kasaysayan. Pinalawak din ng Star Cinema ang pagpapalabas nito ng mga pelikula para maabot at mapanood ng mga Pilipino hindi lang sa bansa kundi pati na sa buong mundo ang mga pelikula nito.

Si Malou rin ang nasa likod ng tagumpay ng “Maalaala Mo Kaya” at iba pang world-class na primetime dramas gaya ng “Pangako Sa ’Yo,” “Forevermore,” “The Legal Wife,” “Princess and I,” “Lobo,” “Magkaribal,” “Maging Sino Ka Man,” at “Imortal.”

Noong 2013, pinangaralan si Malou ng Communication Excellence in Organizations (CEO Excel) Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Philippines para sa kanyang epektibong paggamit ng komunikasyon sa kanyang pamamahala para matupad ang misyon ng Star Cinema na magbahagi ng mga kwentong nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga Pilipino.

About hataw tabloid

Check Also

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

050324 Hataw Frontpage

Cedric Lee, Deniece Cornejo, 2 pa
RECLUSION PERPETUA IPINATAW vs KIDNAPPERS NG ACTOR/HOST

(ni NIÑO ACLAN) PINATAWAN ng parusang reclusion perpetua o  habangbuhay na pagkabilanggo sina Cedric Lee, …

Kathryn Bernardo Alden Richards  Queen of Tears

Alden at Kathryn wagi sa poll para gumanap sa Pinoy adaptation ng Queen of Tears

MA at PAni Rommel Placente PINAG-UUSAPAN  ngayon lalo na sa social media ang K-Drama na Queen …

Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw pag-usapan ang lovelife—I’d rather keep it private

MA at PAni Rommel Placente AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na …

Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli natakot lumabas nang isangkot sa hiwalayang Dominic-Bea

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA na ang sexy star na si Angeli Khang na isinasangkot sa hiwalayan nina Bea …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *