SPEAKING of Mark, sa unang sultada ng Tasya Fantasya noong Sabado ng gabi, ipinakilala na ang kanyang karakter bilang Noel, ang balikbayang object of fantasy ni Tasya (Shy Carlos).
Wala pang dayalog ang binata, pero nakakikilig ang eksena na nakikipagtitigan siya kay Tasya na sa sobrang kaharutan ay nahulog sa swimming pool. Bienvinida party ‘yon para sa pagdating ni Noel, na aligaga ang pulutong ng mga kasambahay.
Tamang-tama kasi na habang nakatutok kami sa palabas ay siya namang text message sa amin ng source tungkol nga sa sex video ni Mark. Ewan kung sa pagpapantasya ni Tasya sa kanya sa kuwento ay sumagi rin sa isip ng hitad ang “bayas-bayas” scene ng kanyang leading man.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III