PINATUNAYAN ni Liza Soberano na kakaiba talaga ang beauty niya.
Sa isang website, Liza was named the sixth woman with the most beautiful face in the world by The 26th Annual Independent Critics List of the 100 Most Beautiful Faces of 2015 by TC Candler.
Kabilang sa mga kinabog ng bida ng Dolce Amore sina Chloe Grace Moretz (7), Camilla Belle (8), Ana Dearman (9), and Emilia Clarke (10).
Si Nana (Im-Jin-Ah) ang itinanghal na most beautiful face, followed by Gal Gadot (2), Jourdan Dunn (3), Emma Watson (4), and Golshifteh Farahani (5).
Ang isa pang Kapamilya actress na nakapasok sa list ay si Kathryn Bernardo na nasa 80th spot. Silang dalawa lang ni Liza ang naka-join sa elite list ng mga babaeng may pinakamagagandang mukha sa buong mundo.
Pasok din sina Enrique Gil (13th spot), Daniel Padilla (22nd spot) and Xian Lim (99th). It would be interesting to note na walang pumasok maski isang Kapuso celebrity sa list.
To us, si Liza na bida sa Dolce Amore nga ang may pinamakagandang mukha ngayon sa showbiz. Sa tingin namin, sinundan niya si Dawn Zulueta na most beautiful noon para sa amin.
Classic ang beauty ni Liza, kakaiba talaga ang mukha niya, very Hollywood-ish.
UNCUT – Alex Brosas