Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diet, ‘nadala’ sa pakikipaghalikan kay Meg

020116 diether ocampo meg imperial

00 fact sheet reggeeKaya si Diether Ocampo na lang ang tinanong kay Meg bilang leading man niya kung kumusta naman kaeksena.

“Sobrang okay naman po and hindi naman po mahirap. Naninibago lang ako sa kanya kasi ang lalim pala talaga ng boses niya (sabay ginaya),” kaswal na sabi ng aktres.

At dahil marami silang kissing scenes ni Diether kaya natanong si Meg tungkol dito.

“Okay naman po. Siguro po, minsan nadadala (Diet sa love scene),” tila nadulas na sabi ni Meg.

Paanong nadadala?

“Teka, paano ba, ang hirap i-explain, ’yung kiss kasi, minsan, feeling mo, parang aggressive, I don’t know if role ’yun talaga na kailangan sa scene. Hindi ko kasi alam, kasi ako smooch-smooch lang,” natawang paliwanag ni Meg.

Sa madaling salita, nanamantala o agresibong humalik ang aktor.

“Minsan, may time (na ganoon). Siguro, ganoon lang po talaga or iba-iba lang po siguro ang way, eh,” nangingiting sagot ng dalaga.

Anong reaksiyon ni Meg, “wala po, inisip ko na ganoon nga, hindi ko naman kasi alam kung ganoon ba talaga siya (Diether) humalik.  So far wala naman akong naramdaman na nag-advantage.

“Noong unang scene po namin, nagsabi siya kung ‘okay lang ba ako’ so, parang way niya na ganoon talaga, kasi mga sumunod na scene hindi na niya ako kinausap.”

Maganda ang pasok ng 2016 kay Meg dahil dalawa kaagad ang programa niya sa TV5 na produced ng Viva TV, ang Bakit Manipis ang Ulap at ang Wattpad Presents:  My Casanova Husband na mapapanood sa ikatlong linggo ng Pebrero kasama si Derek Ramsay.

Bago ang My Casanova Husband ay mapapanood muna ang episodes na Mysterious Guy at the Coffee Shop, My Soul Mate nina Yassi Pressman, Ela Cruz, at Bianca King.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …