Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Time change, ‘wag tayong magpaka-ipokrita (sa usaping virginity) — Meg

010715 meg imperial

00 fact sheet reggeeANG pagkakaroon ng hindi magandang trato sa ina ang dahilan kung bakit tinapos na ni Meg Imperial ang apat na buwang relasyon nito sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend.

Hindi naman itinanggi ni Meg na talagang depressed siya noon pero tapos na at back to work na siya, alive and kicking.

Sa tanong kung bakit nag-iba ang trato ng boyfriend niya sa mama niya.

“Nagkaroon siya ng broken promises na involved ‘yung parents ko, so sabi ko, hindi puwede sa akin ‘yun kasi para sa akin, unang-una, mahalin mo ‘yung magulang ko, ‘di ba? Para alam ko na kapag magtagal man tayo, hindi mawawala ang respeto mo sa kanya.

“’Yun ang naging problema roon plus feeling ko, Cassanova nga talaga siya,”natawang kuwento ng dalaga.

Sakto ang pagkakabanggit ni Meg ng Cassanova dahil ito ang titulo ng episode niya sa Wattpad Presents:  My Casanova Husband at sa ikatlong linggo ng Pebrero mapapanood handog ng Viva TV para sa TV5.

Biro nga ni Meg na hawig daw ang titulo ng Wattpad episode niyang My Casanova Husband sa boyfriend niya at saka tumawa.

Samantala, pinatanong namin sa katoto kung nananatiling intact pa rin ang virginity niya dahil ito ang ipinagmamalaki niya noong presscon ng launching serye niya sa ABS-CBN na Moon of Desire noong 2014.

Diretsong sagot ni Meg, “siguro po, time changed naman, ‘yun na lang. Huwag na tayong magpaka-ipokrita.”

Hirit namin kung may pagsisisi ba sa parte niya dahil sa maling tao niya ipinagkatiwala o dahil kailangan ito at parte ng isang relasyon?

“Sabihin po nating parte ng relasyon, pero okay na po ako,” diretso niyang sagot.

Masasabing survivor si Meg dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay.

”During po ‘yun ng ‘Moon of Desire’ (her launching serye sa ABS-CBN), kasi po, sunod-sunod, eh. Siguro na-depress ako with the show, tapos ‘yung nangyari sa lolo ko, ‘yung death ng lolo ko, so patong-patong talaga siya. Ako ang breadwinner sa amin kaya lahat ng pressure talaga nasa akin,” sabi ng aktres.

Kaya sobrang pasalamat ni Meg kay Viva Boss Vic del Rosario dahil hindi siya iniwan at laging nakaalalay sa kanya.

Tulad ngayon, dalawa ang projects niya sa Viva TV, ang seryeng Bakit Manipis ang Ulap at Wattpad Presents My Cassanova Husband na mapapanood sa TV5.

At habang kumikita ay nagbukas ng negosyo ang Mama ni Meg na personal nitong inaasikaso sa Naga City na isang beauty shop.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …