Immigration One-Stop-Shop Visa processing buwagin na!

032214 visa immigration passportHINDI ba’t noong bagong upo si Justice Secretary Ben Caguioa ay tinanggal na ang One-Stop-Shop visa processing sa Bureau of Immigration?

Pero bago umalis si ‘pabebe’ Mison ay nag-create pa ulit ng ‘One-Stop-Shop Action Center’ na under naman sa BI-Alien Registration Division (ARD)?

Obviously, maliwanag na pagsuway ito noon sa Department Order na ipinalabas ni SOJ Caguioa.

Isang I/O Hanzel Santos raw ngayon ang Acting Chief nitong One-Stop-Shop Action Center.

Bakit hindi na lang ito ulit i-abolish at i-de-legate na lang lahat ng functions sa BI-ARD under Chief Danny Almeda para hindi naman masyadong nakalilito sa mga tao lalo na sa mga kliyente ng BI?

Kung wala bang one-stop-shop ay hindi ba ito maipo-process ng ARD?

 Nagiging komplikado kasi masyado ang mga gaya ng ganitong klaseng opisina.

Imbes iisa lang ang pupuntahan ng lahat, lilitohin pa sila.

Maliwanag naman na duplication of function lang naman ‘yan ‘di ba?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com