ANG sipag-sipag ngayon ng mahal nating si dear-idol-friend-kumare Gov. Vilma Santos.
Aba’y game na game rin ito sa pag-guest sa mga show ng ABS-CBN just to promote her Everything About Her movie na showing na nga this January 27.
Halata namang enjoy na enjoy ito sa kanyang pag-promote at puro magaganda ang ibinabahaging tsika on her working with director Joyce Bernal na kilala namang mas Noranian kaysa Vilmanian.
Ang importante ay ang finished product na napakaganda at ipagmamalaki niya as among the best na nagawa niya in her entire acting career.
Well, expected naman nating “only the best” ang i-o-offer sa atin ng Star Cinemaat ni Ate Vi.
Ang pressure nga ngayon ay kung maihihilera ang Everything About Her bilang P300-M and above earner lalo pa’t sa record ng Star Cinema, wala silang pelikula na hindi bumababa ng P100-M ang gross lalo pa’t mga big star ang bida!
Hahaha, kami raw itong nam-pi-pressure o!
( AMBET NABUS )