Thursday , June 4 2026

7 adik tiklo sa drug den

PITO katao ang naaresto ng mga awtoridad, kabilang ang dalawang babae, makaraang mahuli sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa isang drug den sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Rivamonte, 30; Julius Dizon, 25; Reccar Braga, 20; Edmar Bayanay, 32; Paul Vincent Funa, 23; Joan Saligan, 32, at Rhoda Garcia, 43-anyos.

Ayon sa ulat ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Unit (SAID-SOU) ng Valenzuela City Police, dakong 11 p.m. nang maaresto ang mga suspek sa bahay na hinihinalang drug den sa 21-B Pinagbayanan St., Willex Compound, Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod. Agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad makaraang makatanggap ng tip hinggil sa pagkalat ng droga sa lugar. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …