MALAKING factor ang Tawag Ng Tanghalan kaya tinututukan ngayon ang It’s Showtime.
Ayon sa Kantar Media, two straight days nang tinalo ng It’s Showtime ang Eat Bulaga.
Noong January 11, nakakuha ang It’s Showtime ng 15.5% vs. Eat… Bulaga! na (15.2%). Noong January 12, may rating ang It’s Showtime ng 15.3% samantalang ang Eat… Bulaga! ay 15.2%.
Nakaapekto rin ba ang pagkawala ni Alden Richards sa kalyeserye mula nang hindi siya nakita kahit nasa Pilipinas siya?
Anyway, sa pagtatapos ng taong 2015 ay nananatiling namamayagpag ang ABS-CBN.
Base sa datos ng Kantar Media mula Enero hanggang Disyembre (hindi kasama ang Holy Week) noong nakaraang taon, nagtala ng average national audience share na 43% ang Kapamilya Network.
Namayagpag din ang ABS-CBN sa listahan ng top 20 na pinakapinanonood na programa sa bansa sa 2015 na 19 dito ay mula sa Kapamilya Network.
TALBOG – Roldan Castro