Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paggiling at paghuhubad ni James ikinaloka ng netizens

011416 James reid

00 fact sheet reggeePANALO si James Reid sa eksenang sinasayawan niya si Nadine Lustre sa ginanap na bridal shower nito sa seryeng On The Wings Of Love na talagang kinakikiligan ng lahat ng babaeng nakapanood.

Ang cute naman kasi ni Clark (pangalan ni James sa teleserye) habang naka-shades at naka-policeman uniform at gumigiling-giling kay Leah kaya kitang-kitang kilig na kilig din ang aktres.

Muling lumipad sina James at Nadine sa San Francisco, California, ang lugar na pinag-umpisahan ng kanilang pag-iibigan.

Pinuntahan nina Clark at Leah sa ikalawang pagkakataon ang Palace of Fine Arts, ang lugar na saksi sa kanilang love story. Dito inalok ni Lea si Clark ng kasal para makakuha ng green card.

Samantala, kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa OTWOL sa rebelasyon ni Leah na buhay pala ang kanilang Nanang (Isay Alvarez-Sena).

Nakatakda nang aminin nina Leah at Tiffany (Bianca Manalo) kay Tatang Sol (Joel Torre) ang totoong nangyari sa inang inakala nilang namayapa, na magdudulot ng pagkagalit ni Tatang. Magiging sanhi rin ang rebelasyon sa muling pagkikita ng magulang ni Leah pagkatapos ng mahabang panahon.

Ano ang magiging epekto ng pagkikita nina Tatang at Nanang sa kasalang Clark at Leah?

Sa kabilang banda, nagpakilig din sina James at Nadine sa libo-libong fans sa Sacramento Memorial Auditorium sa ginanap na On the Wings of Love Certified Fans Day. Malakas ang hiyawan ng solid fans nang makita ang paboritong love team na nagpamalas ng kanilang galing sa pagsayaw at pagkanta.

Lilipad din sina James at Nadine sa Middle East sa Marso para sa  JaDine in Love: The World Tour ng TFC na handog nina James at Nadine ang isang unforgettable concert experience sa diehard fans nila sa Qatar at Dubai.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …