SINAGOT ni Roxy Liquigan, Star Cinema AdProm head, ang patutsada ni Ai Ai delas Alas na dinaya ang box office result ngMMFF at sila ang tunay na nanguna sa takilya.
“Number one kami.
“In our hearts, sa puso ng AlDub Nation, sa puso ng sambayanang Pilipino, No. 1 kami.
“Kasi lahat ng ginagawa namin, walang daya.
‘Yan ang mataray na patutsada ni Ai Ai recently.
Gumanti naman ng sagot si Roxy and said:”Natatawa ako sa emote na “dinaya” , “makakarma” “makikipagpatayan” at ginamit pa ang diyos sa emote.Luma na ang ganyang style. 2016 na.
“Lumaban tayo ng patas. Pinaghandaan namin ang pelikula. Binusisi. Nag shoot ng maayos at masaya. Nag todo sa promotions sa buong pilipinas.
“Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng nanood at manonood pa ng pelikula namin. Maganda ang word of mouth. Sulit sa binayad ng tao.
“Alam ng tao ang tatak Star Cinema. Pinaghirapan nina Vice, Coco, jadine, drek wenn ang movie na ito.
“Wag mong isisi sa iba kung may kakulangan kayo. Basta kami pinaghandaan namin ang filmfest ng buong puso.”
You’re right Roxy. Very true!!!
“Good Morning:) P438.9 million na ang #BeautyAndTheBestie ! 🙂 Thank You Very Much!” say pa niya.
“Ai, bakit di mo sabihin ang totoong kinita ng movie mo?” ask niya sa komedyante.
Oo nga. Kaysa magkiyaw-kiyaw siya, mag-cite siya ng figures, ‘no, nang magkaalaman kung magkano talaga ang inabot ng movie niya.
Oo nga. Kaysa magkiyaw-kiyaw ka ng walang detalye, magbigay ka ng figures, Ai Ai, para magmukha kang credible.
UNCUT – Alex Brosas