Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo Mortel, thankful sa success ng Haunted Mansion

112515 haunted house janella

00 Alam mo na NonieSOBRA ang pasasalamat ni Marlo Mortel sa mga tumangkilik ng Haunted Mansion, entry nila nina Janella Salvador at Jerome Ponce sa nagdaang Metro Manila Film Festival 2015. Naging third sa box office results ang naturang pelikulang pinamahalaan ni Direk Jun Robles Lana mula Regal Films.

“Sobrang happy, kasi considering talaga, ang pinaka-challenge talaga sa amin dito is tatlo kaming baguhan sa pelikula, this is our first movie, lahat kaming tatlo. So pinaka-challenge na makalaban namin yung big stars eh. And para malagpasan namin yung iba and mapasali kami sa top 3, sobrang happy talaga.

“Ang ganda ng respond ng mga tao. So very happy, very happy talaga kami,” saad ni Marlo.

Nakapanayam namin ang Kapamilya actor sa ginanap na block screening ng pelikulang Haunted Mansion last Saturday sa Cinema 7 ng Robinson’s Galleria. Pinangunahan ni Marlo ang naturang event na hatid ng Marlo’s World para sa kanilang mahal na idolo.

011116 Marlo mortel fans

Ukol sa pagkabuwag ng love team nila ni Janella, sinabi ni Marlon a siya ay nalungkot sa nangyari, ngunit gusto niyang mag-focus sa positive na bagay.

“Pero siyempre kasi, di ko naman desisyon yun eh. Eh kung ako naman, ano bang magagawa ko? Eh parang bigla na lang akong naiwan sa ere, totoo naman yun ‘di ba?

“Pero wala naman akong magagawa kasi desisyon ng management yun eh. So ang magagawa ko na lang is maghintay ng parang something positive, kasi nga itong movie namin, nag-click. So malay mo dahil dito, masundan naman yung gagawin namin, either movie or ma-realize nila, baka ibalik ang tandem namin. Pero for now, happy ako for them and happy rin ako na may ginagawa ako na sarili ko.”

Si Marlo ay regular sa Umagang Kay Ganda at semi-regular sa Kris TV.

Ang Marlo’s World head admins ay sina Eva Villanueva, Laarni Torres and Marjo Ibasco. Inusisa namin si Eva kung ano ang masasabi kay Marlo. “Nagpapasalamat kami kay Marlo kasi pinatunayan niya na di kami nagkamali na sinuportahan namin siya, he is our inspiration and happiness! We make sure na maliit o malaking event, nandon kami to support him. Thankful din kami sa mga MW global fans from Dubai, Chicago, Japan, Portland USA, Hongkong, Florida, California, Oregon USA and Singapore na solid ang dedication at loyalty for Marlo! So lucky to have them all!

“Ang MW po ay nabuo noong May 2, 2013. We’ve been there just for one goal, love and support for Marlo Mortel. Marami na po kami napagdaanan at naging strong kami for each other. Kami yung tipo na di basta-basta nagsu-support kung di naman worth it. But Marlo is such a great guy inside & out! Super love namin iyong alaga namin na yun. We’re blessed and proud of him!” paliwanag ni Eva.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …