Thursday , June 4 2026

Bebot itinumba sa binggohan (1 pa sugatan)

PATAY ang isang babae habang isa pa ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang naglalaro ng Bingo sa lungsod ng Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection unit (QCPD), kinilala ang napatay na si Marianita Barbo, 46, may asawa ng Senatiorial Road, Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Sugatan ang isang Darwin Vera, 29, may asawa, driver at residente rin sa naturang lugar.

Agad tumakas ang suspek na nakasuot ng bull cap, puting sando, maong pants at tsinelas.

Ayon sa imbestigador na si PO2 Virgilio Mendoza, naganap ang insidente sa kanto ng Executive Road at Senatorial Road ng nasabing barangay dakong 11:45 p.m.

Sa pahayag ni Jayson Fajardo, naglalaro sila ng Bingo nang dumating ang suspek at pinagbabaril ang biktima habang tinamaan ng ligaw na bala si Vera sa kanyang kanang paa.

Isinugod ang mga biktima sa Amang Rodriguez Hospital ngunit binawian ng buhay si Barbo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …