NABANLIAN ng kumukulong tubig ang 3-anyos batang paslit ng kanyang tiyahin sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon.
Nakapiit na sa Muntinlupa City Police ang tiyahin ng biktima na si Maryann, 20, ng Brgy. Putatan, ng natu-rang lungsod.
Dinala sa pagamutan ang biktimang itinago sa pa-ngalang Marie.
Base sa report na natanggap ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong 2 p.m. sa naturang lugar.
Ayaw pang magbigay ng kompletong detalye si PO2 Rizalyn Pingol, ng Women’s Desk and Protection Desk ng Muntinlupa City Police, kaugnay sa insidente dahil ‘confidential’ aniya ang kaso ngunit nagpa-interview sila sa isang news program ng isang television network.