Tuesday , March 11 2025

Donaire mapapalaban sa The Big Dome


MAPAPALABAN na naman si Nonito Donaire Jr., at ngayo’y sa Smart Araneta Coliseum tatangkain ng Pinoy champ na mapatunayang muli ang kanyang husay bilang kampeon sa buong mundo.

Kinompirma ito ni Top Rank promoter Bob Arum makaraang matagumpay na mapanalunan ng 33-anyos na alaga sa kanyang comeback fight ang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight title nitong nakaraang Disyembre kontra kay Cesar Juarez sa San Juan, Puerto Rico.

Sa nakalipas, nagwagi si Donaire sa ilang sagupaan sa the Big Dome, kabilang na ang panalo niya sa second-round knockout kontra kay William Prado ng Brazil noong nakaraang taon, na naging daan din para mapa-laban ang ‘The Hawaiian Punch’ ng world bout laban kay Juarez.

Noong 2009, nagsilbi rin ang Araneta Coliseum bilang launch pad ng kasikatan nang patigilin ni Donaire si Raul Martinez sa ikaapat na round para sa International Boxing Organization (IBO) at International Boxing Federation (IBF) flyweight crown.

Itataya ngayon ng pambato ni Arum ang kanyang korona kontra kay Mexican-Russian boxer Evgeny Gradovich sa Abril 23 sa The Big Dome.

“Matagal na naming plano na mapalaban siya (Donaire) sa Araneta,” wika ni Arum sa BoxingScene.com.

Napanalunan ng The Hawaiian Punch ang tatlong huling laban niya matapos bugbugin hanggang mapatulog si Nicholas Walters noong 2014 sa StubHub Center sa Carson, California.

Ngunit inaasahang mapapalaban nang husto si Donaire kontra sa dati niyang stablemate na si Gradovich, na may record na 20-1-1 kasama na ang 9 na KO.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Alan Peter Cayetano FIVB Mens Volleyball

2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship  
Cayetano: ‘Spike’ sa ekonomiya ang volleyball hosting ng bansa

MALAKI ang potensyal ng sports tourism para sa ekonomiya ng bansa. Ito ang binigyang-diin ni …

Tour of Luzon 2025

Tour of Luzon 2025 papadyak na sa Abril

NAKAHANDA na ang entablado para muling sumiklab ang kilalang Tour of Luzon sa kalsada ngayong …

Fritz Gaston PSC PAI director Anthony Reyes Roi Dela Cruz TOPS

Sports program mula grassroots hanggang inaasam na Olympics isinusulong ng PSC, PAI

MAGKAAGAPAY ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Aquatics, Inc. (PAI) para maisulong ang programa …

PNVF Ramon Tats Suzara Christina Frasco PSC Richard Bachmann

Inter-Agency Task Force Meeting para sa FIVB Men’s World Championship

Ang mga Major updates ukol sa pagho-host ng bansa para sa FIVB Volleyball Men’s World …

Bouffaut, Marcelo kampeon sa National Age Group Duathlon-U15

Bouffaut, Marcelo kampeon sa National Age Group Duathlon-U15

IPINAKITA ni Alaina Bouffaut ang kanyang pinakamahusay na porma upang magreyna sa Under-15 girls category …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *