Friday , May 17 2024

UAAP volleyball magsisimula sa Enero 30 at 31

010616 uaap volleyball
SA HULING weekend ng buwang ito magsisimula na ang Season 78 women’s volleyball ng University Athletic Association of the Philippines.

Unang maglalaban sa Enero 30, Sabado, ang Adamson University at University of the East sa alas-dos ng hapon kasunod ang sagupaang Far Eastern University at De La Salle University sa alas-kuwatro.

Kinabukasan ay maglalaban ang defending champion Ateneo de Manila kontra National University sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng sagupaang University of the Philippines kontra University of the East sa alas-dos.

Habang sinusulat ito ay wala pang venue na inaanunsiyo ang UAAP para sa mga larong ito ngunit lahat ng mga laro sa eliminations ay gagawin sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Ang sagupaang Ateneo-La Salle ay idaraos sa Pebrero 28.

Sisikapin ng Lady Eagles sa pangunguna ni Alyssa Valdez na makuha ang kanilang ikatlong sunod na korona ngayong taong ito.

Noong isang taon ay winalis ng Ateneo ang oposisyon tungo sa kampeonato sa ilalim ng head coach nilang Thai na si Tai Bundit. ( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *