Binabati ko ang mga bagong halal na officers and board of directors ng NPJAI (New Philippine Jockey’s Association, Inc.) na pinangungunahan ng kanilang bagong President na si Redentor R. De Leon (RR De Leon), Bise-Presidente na si Gilbert L. Francisco (GL Francisco), bilang Secretary ng samahan ay si Rey An R. Camanero (RR Camanero), Ingat Yaman naman si Antonio B. Alcasid Jr. (AB Alcasid Jr.), Auditor si Karvin E. Malapira (KE Malapira), P.R.O. si Daniel L. Camanero (DanL Camanero). Para sa hanay ng mga Directors ay sina Kelvin B. Abobo (KB Abobo), Isaac Ace L. Aguila (IaL Aguila), Valentino R. Dilema (VaLR Dilema), Domingo G. Vacal (DG Vacal) at Sonny G. Vacal (SG Vacal).
Nawa’y lalo pang lumawig at umunlad ang inyong samahan, pagpalain kayong lahat sa NPJAI.
Sa darating na ika-27 ng Enero ay idaraos ang unang tampok na pakarera na 2016 PHILRACOM “Commissioner’s Cup” sa pista ng Metro Turf at maglalaban sa distansiyang 1,800 meters ang mga kabayong sina Dixie Gold, Hook Shot, Love Na Love, Low Profile, Biseng Bise, Manalig Ka at Kanlaon.
Ang unang tatlong napipisil ng mga klasmeyts natin ay sina Low Profile, Kanlaon at Dixie Gold, mayroon din na tumatanaw sa magandang kilos ng kabayong si Love Na Love. Kaya sa umpisa pa lang ng taon ay tiyak na umaatikabong bakbakan na kaagad ang ating mapapanood na laban.
REKTA – Fred Magno