Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, ‘di raw nakasama kay Zanjoe dahil sa family reunion

010616 Bea Alonzo Zanjoe Marudo

00 fact sheet reggeeNAGULAT ang taong malapit kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa nabalitaan niyang hiwalay na ang dalawa.

Kaya ang tanong kaagad sa amin ay, “sino nagsulat at saan lumabas?”

Hindi raw kasi ito nabalitaan ng kausap namin kaya gulat na gulat siya bukod dito ay hindi pa niya nakakausap sina Bea at Zanjoe.

Natanong namin kung bakit pawang solo pictures ni Zanjoe ang ipino-post sa IG account nito at ‘yung iba ay kasama ang ilang kaibigan minus Bea.

Kaya hindi maiwasang magduda ang netizens na baka nga break na ang dalawa dahil hindi sila magkasama noong Bagong Taon sa Europe na nagselebra si Zanjoe.

Sabi sa amin ng taong malapit sa dalawa, “oo, hindi makaalis kasi si Bea dahil marami silang family reunions.

“Hindi ko pa nakakausap ‘yung dalawa kasi nagbakasyon din ako, pagbalik ni Zanjoe, ask ko silang dalawa.”

Tsinek namin ang IG account ni Bea kung may mga post siya tungkol sa sitwasyon nila ni Zanjoe, pero wala naman.

Hmm, bakit ba parati na lang nababalitang hiwalay na sina Bea at Zanjoe, Ateng Maricris?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …