Monday , August 8 2022

Cristine at Ali, ikakasal ngayong Enero via Christian wedding

010616 cristine reyes ali

00 fact sheet reggeeMAY pelikula kaagad ang Viva Films sa unang buwan pa lang ng 2016, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na isang trilogy starring Maricel Soriano, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Cristine Reyes, Benjie Paras, Candy Pangilinan, Paolo Ballesteros, Jayson Gainza, Antoinette Taus, at Shy Carlos.

Sa presscon ng pelikula sa Music Hall, Metro Walk noong Lunes ay walang tigil sa katatawa ang ilan dahil sa mga nakatatawang sagot ng cast maliban kay Herbert.

Marami ring natuwa nang makita nila si Maricel dahil matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood sa pelikula.

Samantala, si Cristine ang pinagtatanong muna tungkol sa plano nilang pagpapakasal ng ama ng anak niyang si Amara na si Ali Khatabi.

“Ye, we plan to make things right this year and we’re hoping for the better, ‘yung future ng family namin, ni Ali and Amara (her baby), of course.”

Pero civil wedding daw muna ang magaganap ngayong buwan ng Enero.

“I mean, civil, meaning, Christian po, hindi po siya sa huwes or something, sa ibang lugar po. Tapos, ‘yung big wedding, we will plan it pa lang po, kasi since marami kaming trabaho ngayon ni Ali na ginagawa, we cannot plan right away for the big wedding. So, right now, we plan to do ceremony, ‘yung kami-kami lang, intimate lang po.

“Ang plano po namin, ako, si Ali and ‘yung pastor namin and witness, ‘yun lang po,” pahayag ni Cristine.

Tuloy pa rin daw sa pagtatrabaho si Cristine kahit may asawa’t anak na siya, “mas maraming trabaho, mas okay.”

Tatanggap pa ba siya ng sexy role, “depende po siguro ‘yun sa project,” mabilis niyang sabi.

Okay lang daw kay Ali ang sexy roles, “si Ali, maintindihin naman ‘yan sa mga bagay. Kung ma-explain mo sa kanya na maganda ‘tong project na ‘to, I’m sure approved naman sa kanya if ever.”

Nabanggit din ni AA (tawag kay Cristine) na pinasok na rin ni Ali ang showbiz dahil kamakailan ay pumirma na rin si Ali ng kontrata sa Viva.

”Viva signed him up. Sa ano siya, eh, Viva Sports. But then again, pinag-workshop siya sa acting,” kuwento ng aktres.

Ang Viva raw ang kumumbinsi kay Ali, “they (Viva) want to.”

”Tawa nga siya ng tawa, eh. Sabi niya, hindi niya alam ang ginagawa niya. Pero we’ll see. Sabi ko naman sa kanya, kung mayroong kumakatok sa pinto mo, alam mo ‘yun? Hindi naman lahat ng tao kinatatatukan ang pinto, eh. Bakit hindi mo buksan?

”Noong una, natakot ako, baka mamaya., alam mo ‘yun, ang daming temptation diyan. Pero sa pagkakakilala ko naman kay Ali, ano eh, ayokong sabihing kampante pero I trust him enough,” kuwento ng aktres.

Mapapanood na ang Lumayo Ka Nga Sa Akin sa Enero 13 mula sa direksiyon nina Mark Meily, Andoy Ranay and Chris Martinez produced ng Viva Films.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Kylie Padilla

Kylie kalmado na ang puso

I-FLEXni Jun Nardo PICTURE at video na hinihipan ang cake ng anak na si Alas ang naka-post …

Blind Item, Men

Male newcomer dagsa ang offer sa mga bading na gusto siyang maka-date

ni Ed de Leon NATATAWA kami habang nagkukuwento ang isang male newcomer. Hindi rin naman kasi …

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

Leave a Reply