Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, positibo sa merging ng TV5 at Viva Communications Inc.

010516 Ogie Alcasid

00 SHOWBIZ ms mMALAKI ang katuwaan ni Ogie Alcasid sa pagme-merge ng TV5 at Viva Communications, Inc. na raratsada na sa kanilang unang TV program, ang Born To Be A Star na magdidiskubre at magde-develop sa mga susunod na singing superstar ng bansa sa pamamagitan nitong bagong reality singing competition na magsisimula na sa February 6 sa TV5.

May balita noon na na-dissapoint si Ogie sa nangyaring pagkawala ng TV Entertainment ng TV5 pero itinanggi ito ni Ogie. Aniya, ”Hindi naman ako na-dissapoint pero siyempre, naghihintay ako ng earth-shaking experience na ano ba ang puwedeng mangyari. Eh ganoon talaga, eh. Limitado ‘yung talents namin noon, eh, sa TV5. Kami-kami lang, eh. Noong dumating ako, nariyan lang si Sharon (Cuneta), si Derek (Ramsay), si Aga (Muhlach), paalis na. So, wala kang magagawa, wala kang talents, eh. And then, of course, the newcomers.”

Sa pagsasama ng TV5, sinabi pa ni Ogie na, ”Maganda, maganda. Unang-una, si Boss Vic, hindi naman iba sa akin ‘yun, ninong din namin sa kasal ‘yun, tapos parang tatay na rin ni Regine (Velasquez, his wife) ‘yun, ‘di ba?”

Very positive rin si Ogie sa naturang merging.

Samantala, talent ng TV5 si Ogie kaya natanong din ang magaling na singer kung may separate contract ba siya sa Viva Entertainment.

“Hindi, sakop na rin nila ‘yun (his contract with TV5), kasi si Boss Vic (del Rosario) na ang boss namin, ‘di ba? Siya ‘yung pinaka-boss namin ngayon pero ako, under TV5,” ani Ogie.

Idinagdag pa ni Ogie na, ”Kasi, nariyan na ‘yung mga talent, nandiyan na sina Richard (Gutierrez), Claudine (Barretto), Mark (Bautista). Eh dati, paggalaw mo, ‘yun na ‘yun. Wala ka nang ibang makikita. Eh ngayon, uy, may mga bagong artista na, so may laban na ng kaunti.”

Sa kabilang banda, nakatatawa naman ang kuwento ni Ogie ukol sa pag-gate crash nilang mag-asawa (Regine) sa isang kasalan sa Boracay.

“Hindi, kasalanan ko ‘yun, kasi, sabi ni Michelle (Van Eimeren, his ex-wife) at saka ni Mark, ‘yung asawa, sabi niya, may bar doon, sa may dulo raw ng island.

“Sabi ko, saan doon? Hindi naman namin alam. So, nilakad namin, na ang layo-layo, may mga kuweba pa. Basta sa dulong-dulo.

“So, inabot na namin, Spider Bar or something, maganda naman siya. Siyempre pabalik, malayo, ‘di siyempre, akyat na naman kami ng kuweba.

“Eh may wedding, nagsasaya, parang bored ‘yung mga tao. Sabi ko sa kanya (Regine), ‘dare kita, umakyat ka roon.’ Umakyat ang lola mo.

“Actually, ‘yung banda, naloka nang makita kami, gumaganyan-ganyan lang kami (pumapala-palakpak), so ‘yun na.”

Bigla na nga lang kumanta si Regine at naloka raw talaga ang mga tao.

“Gatecrash talaga. Ang saya, nakatutuwa,” kuwento pa ni Ogie.

Anyway, sa Feb. 6 na mapapanood ang Born To Be A Star at open ang auditions sa male and female applicants, edad 13-18. Ang audition venues at dates ay ang mga sumusunod—SM City Bicutan, Jan. 9 & 10; SM City Sta. Mesa, Jan. 16 & 17; SM City San Mateo, Jan. 23 & 24;  at SM City Novaliches, Jan. 30 & 31. Magkakaroon din ng limang audition legs sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng Cebu, Davao, Batangas, Dagupan, at Metro Manila simula sa March.

Kasama rin sa show bilang mga hurado sina Pops Fernandez, Rico Blanco, Aiza Seguerra, at Andrew E.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …