Ang Zodiac Mo (December 22, 2015)
Aries (April 18-May 13) Maglaan ng panahon sa pagtalakay sa resulta ng iyong aktibidad at plantsahin ang mga detalye nito.
Taurus (May 13-June 21) Ito ang tamang sandali ng pagtugon sa pangunahing mga isyu sa pamilya.
Gemini (June 21-July 20) Ang kalagayan ng pamilya at relasyon sa magulang at nakatatanda ay mahalaga sa iyo.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung higit na magiging mapili sa pagtanggap ng mga kaibigan at sources ng impormasyon, higit na magiging epektibo ang iyong aksiyon.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Dapat pagtuunan ng pansin ang practical issues, halimbawa ang kaugnay sa income.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi dapat manatili sa sariling rason, maaaring hindi ito lohikal at tama.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mas madali sa iyo ang magtrabaho nang nag-iisa o sa lugar na ang bawat detalye ay pamilyar sa iyo.
Scorpio (Nov. 23-29) Magdudulot nang magandang suwerte ang araw na ito kung iiwas sa emotional influences.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Sa sandaling ito, maaaring may mahalagang bagay kang makalimutan.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang iyong personal goal ay hindi talagang malinaw, gayondin ang posisyon ng iyong partner, employer o supervisor.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Tiyaking maglaan ng metikulusong atensiyon sa bawat detalye na maaaring may direktang epekto sa iyong kaligtasan.
Pisces (March 11-April 18) Hindi mo gawain ang pumigil sa mga posibleng mangyari. Ngunit dapat mong pagtuunan ng pansin ang mga nangyayari sa paligid.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang mga planeta ay nagbibigay-babala laban sa hindi napag-isipang mga desisyon.
ni Lady Dee