Sunday , November 24 2024

Honor Thy Father, muntik ‘di mapanood sa MMFF

122115  lloydie Honor Thy Father

00 Alam mo na NonieNANG pinaplano ng mga taga-Reality Entertainment ang Philippine release ng Honor Thy Father, talagang tinarget nila ang December 25 playdate ng Metro Manila Film Festival. Noong isinali ng Reality Entertainment ang pelikula sa MMFF, sinubmit nila ito sa title na Conman. Pero ibinalik sa original na titulo dahil mas angkop ito para sa pelikula. Mayroong kaunting pag-aalinlangan ang mga producer kung matatanggap ang pelikula sa MMFF sa dahilang hindi ito usual na romance, fantasy o comedy na mga patok na formula sa box-office.

Tampok sa Honor Thy Father si John Lloyd Cruz bilang isang family man na gagawin ang lahat para sa kanyang asawang si Kaye (na ginagampanan ni Meryl Soriano) at sa kanilang anak na si Angel (ang baguhang si Krystal Brimner). Nasangkot kasi ang pamilya sa matinding problemang pinansiyal matapos bumagsak ang networking investment business ni Kaye. Mula noon ay nalagay sa panganib ang buhay ng mag-anak.

Itinuturing ni John Lloyd na exciting ang unang pagsabak sa MMFF. “Kakaiba ang pelikula namin,” aniya tungkol sa Honor Thy Father. Dagdag niya, “Tumataya kami. Parang ‘testing the waters.’ Nakaka-excite. Maraming manonood na nagsasabi na gusto nilang makapanood ng bago o kakaiba.

“Ngayon, binibigyan namin sila ng choice. Gusto kong malaman kung anong magiging pagtanggap ng mga viewer sa aming pelikula.”

Nagkaroon ng world premiere ang Honor Thy Father sa 2015 Toronto International Film Festival. Umani ito ng papuri. Itinanghal ito ng The Hollywood Reporter bilang isang “strong portrait of inequality and vigilante justice in modern Philippines by filmmaker Erik Matti.”

“Suntok sa buwan na makasali kami,” pag-amin naman ni Direk Erik. “And yet confident pa rin kami dahil si John Lloyd ang aming star. Hindi puwedeng i-dismiss ng screening committee si John Lloyd,” dagdag pa niya.

Napabilang sa wait list ang pelikula noong ginawa ang unang announcement ng mga official MMFF 2015 entries. Ayon sa mga insider, hindi napili ang Honor Thy Father dahil hindi raw nababagay ang tema nito sa Kapaskuhan. Mapangahas ang Honor Thy Father para sa panlasa ng mga miyembro ng screening committee. Gayonman, nakapasok rin ang pelikula, naging official MMFF entry ito nang nag-back out ang isa sa mga naunang napili.

Marahil tadhana na ang nagdikta na magkaroon ng isang John Lloyd Cruz starrer sa MMFF. Marami-rami na rin ang mga pelikulang ginawa ni Direk Erik na nakasali sa MMFF, pero sa halos dalawang dekada ni John Lloyd sa showbiz ay ngayon lang nagkaroon ang aktor ng MMFF entry.

Ang Honor Thy Father ay official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival, ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula ika-25 ng Disyembre. Para sa updates tungkol sa Honor Thy Father, mag-log on sa facebook.com/honorthyfatherfilm.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *