Sa nakaraang grand presscon ng Haunted Mansion ay nagparapol si Mother Lily kahit hindi bongga ay masaya ang entertainment press dahil nga ipinaramdam ng lady producer na mahal niya ang movie press at bilang pasasalamat na rin sa buong taong tinutulungan siya.
Kuwentuhan nga sa lamesa ng entertainment editors at columnists Ateng Maricris, ”nakatutuwa si Mother ‘no, kahit ano lang pinararapol at magagamit mo talaga, hindi naman kailangang mahal o bongga, ang importante, naalala tayo. Partida, hindi lahat ng pelikula niya, kumikita ha, pero siya pa ‘yung mahilig mag-share.”
Oo nga kahit nga walang okasyon biglang magpaparapol si Mother Lily na galing mismo sa bulsa niya at hindi galing sa mga artista na may ini-endoso.
FACT SHEET – Reggee Bonoan