Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, yummy pa rin kahit may asawa na

120915 james blanco
MINA-MANAGE na ni Leo Dominguez ang actor na si James Blanco. At balik kapuso na rin siya.

Kahit may asawa’t  anak na si James ay taglay pa rin ang pagka-yummy. Aminado naman siya na may mga tukso pa rin sa paligid pero iniiwasan niya.

Malalaki na raw ang mga anak niya, may mga isip na.

“Napaka-ipokrito ko kung sasabihin kong walang nagpaparamdam sa akin. Siyempre, kahit anong edad natin, may dumarating na nagpaparam­dam,” deklara niya.

Natatakot siya na mawalan ng pamilya ‘pag nadarang siya sa tukso.

Actually, ‘yung eksena nga lang niya na minsan ay hinahalikan si Solenn Heussaff ay pinagselosan ng bunso niya na apat na taon.

Tinanong kung bakit  may hinahalikan itong ibang babae.

‘Yung  panganay naman niya  na 10-year old ay gustong mag-artista. Minsan daw ay isinasama niya  sa taping. Na-realize ng anak  na mahirap pala ang work ng daddy niya kaya sabi raw  nito ay iingatan ang gift nito.

Mayroon din siyang anak na 9 years old na nagti-teatro.

Samantala, bukod sa Marimar gagawin din niya ang pelikulang  Balatkayo ng BG Productionskasama sina Aiko Melendez,  Nathalie Hartat, Rodjun Cruz. Kukunan ito sa Dubai at Taiwan.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …