NAPANOOD namin ang And I Love You So sa celebrity screening sa Dolphy Theater. Dumating si Piolo Pascual para suportahan ang unang teleserye ng kanyang anak na si Inigo.
Dumating din sina Marjorie Barretto, Cholo Barretto at ilang kapamilya nila para suportahan si Julia Barretto.
Love rin ni Direk Edgar Mortiz at ang pamilya nito si Miles Ocampo kaya nanood din ang ama-amahan ng aktres kasama si Camille Mortiz-Malapit.
Gusto namin ang story ng And ILove You So tungkol sa sibling rivalry na may inaapi at nang-aapi. Malapit sa masa ang ganitong istorya kaya sure kami na magki-click tuwing hapon (4:00 p.m.) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN 2.
Nakikita namin ang bagong JudyAnn Santos sa katauhan ni Miles na inaapi ang character. Bagay sa kanya at maayos niya itong nagagampanan.
Surprise sa amin na magaling sa pagmamaldita si Julia. Akma rin sa kanya ang role at na-impress niya kami.
Pansinin din at hindi matatawaran ang husay ni Angel Aquino bilang sosyal na kontrabida. Mula umpisa hanggang matapos ang screening ng And I Love You So ay hindi siya bumitiw sa kanyang role.
Kasama rin sa serye sina Tonton Gutierrez, Dimples Romana, Benjie Paras, Jay Manalo. , Nikki Valdez, Dante Rivero, Kenzo Gutierrez, at Francis Magundayao.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro