Daniel, inilampaso na raw ni Alden

120915 daniel alden
PINAGTATALUNAN ngayon kung nalampaso na ba ni Alden Richards ang popularity ni DanielPadilla? Mas sikat na ba si  Pambansang Bae kompara kay  Teenage King?

Sa Star Awards ay natigil ang programa dahil pinagkaguluhan ng fans si Alden na never na nangyari sa mga panahong dumalo si DJ sa naturang award giving body.

Paramihan din silang dalawa ng billboards sa EDSA  at sa buong Kamaynilaan.

Hitsurang parang silang dalawa na lang ang mabentang  endorsers/actor  sa Pilipinas.

May Best Actor trophy  na si Alden na wala pa si  Daniel.

Pareho na rin silang may platinum records sa mga album nila.

Pero napuno na ni Daniel ang  Araneta Coliseum na hindi pa nagagawa ni Alden.

May napatunayan na si DJ pagdating sa box office appeal sa pelikula na susubukan pa lang kay Alden.

Sino na ba  ang mas sikat sa dalawa?

TALBOG – Roldan Castro