NALALAPIT na ang Metro Manila Film Festival. Pasiklaban na naman ng promo ang mga entry na kasala. Medyo maingay na ang pelikulang My Pabebe Love na pinagbibidahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Nakatutuwa ang patutsadahan ng dalawa na prangkang sinabi ni AiAi na hindi siya papatol kay Bossing Vic. Balik-sagot namann ni Vic ay tumingin muna ito sa salamin.
Tiyak mababawi ni Vic ang koronang naagaw sa kanya ni Vice Ganda last year.
Sinasabi ng ilang tagaha na hindi na uso ang mga buhay prinsesa at kaharian sa pelikula lalo sa temang komedya kaya nakuha ni Vice ang kiliti ng mga manonood sa katatawanang kabaklaan. Ewan lang ngayon kung makukuha niya pa rin ganyang naririyan ang My Pabebe Love na kasama rin sina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza.
SHOWBIG – Vir Gonzales