PINATUNAYAN nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sila pa rin ang Teen Queen and King, respectively, nang magkaroon sila ng PSY Thanksgiving concert sa Fairview Terraces recently.
Punompuno ng tao ang buong mall, talagang siksikan ang mga utaw. Ang lakas ng sigawan at tilian nang lumabas na ang dalawa.
That said, we feel na hindi pa ipinapanganak ang papalit sa trono nina Kathryn at Daniel bilang Teen Queen and Teen King.
Pero bago ang thanksgiving event ng Star Creatives para sa napakataas na rating ng Pangako Sa ‘Yo ay may pakiusap si Karla Estrada sa fans through her Twitter account.
“LETS Be PATIENT OK. SUPPORT NATIN ANG ISTORYA NG PSY. LAHAT NG HINDI MAGANDANG HAKBANG NA GAGAWIN AY KATHNIEL ANG KAWAWA.”
“MAS MARAMI TAYONG DAPAT IPAGPASALAMAT KESA MAGRELAMO. PLS STOP BASHING PEOPLE FROM PSY AYOKO NG GANYAN. NOT GOOD#respect.”
“RESPECT GUYS OK. Nalulungkot na si dj at Kath sa ibang pang aaway at impatient na supporters. Ako NA nag sasabi.”
UNCUT – Alex Brosas