Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Dayoha, produ ng concert ni Gabby Concepcion sa London at Spain

120215 Jackie Dayoha Gabby Concepcion

00 Alam mo na NonieHUMAHATAW nang husto si Ms. Jackie Dayoha ngayon sa abroad dahil kaliwa’t kanan ang pinagkaka-abalahan niya sa iba’t ibang panig ng mundo!

Recently ay binigyan siya ng parangal bilang Most Outstanding Filipino in Arts and Concert Production sa 14th Annual Gawad America Awards na ginanap sa Celebrtiy Center International sa Hollywood, California. Ilan sa mga kasamang awardees ni Ms. Jackie rito ay ang mga kilalang personalidad sa Pilipinas tulad nina Boy Abunda, Sylvia Sanchez, PAO Chief Atty. Persida Acosta, at iba pa.

Sumunod dito, dalawang big concerts naman ni Gabby Concepcion ang tinututukan ngayon ni Ms. Jackie. Una rito ang Himig Ng Pasko Barcelona Concert sa December 6, 2015, 5 pm na gaganapin sa Paral-lel Food and Music Restaurant sa Calle Marquez del Campo Sagrado. Makakasama ni Gabby dito sina Martina Ona, Jennelyn, Lorence, Jocelyn, Mika, Kudyapi Children’s Choir, Arnel Trinidad, Isabella de Russi, Kathleen, at special guest si Dr. Tess Mauricio.

Tapos nito ay ang concert naman ni Gabby sa London na pinamagatang Christmas Show 2015 With Gabby Concepcion, ang aasikasuhin ng lady producer. Ito ay magaganap sa December 12, 2015, 7 to 11 pm sa Baden-Powell House Centre 65-67 Queens Gate SW7 5JS. Kasama ni Gabby dito sina Neneth Ortega Lyons, Dr. Tess Mauricio, Anahaw Dance Artist, Jules Chan, Adam Davies, Theo Fernandez, at host si Mudak.

Ayon kay Ms Jackie, ipinagprodyus niya ng dalawang concert si Gabby sa Barcelona at London, dahil bukod sa matagal na niyang kaibigan ang actor, sobrang bait daw ng tatay ni KC Concepcion.

“Si Gabby kasi, maganda ang market niya. Isa pa, si Gabby ay super-bait niyan, you can get along with him easily. I’m going to London sa December 2, sa Barcelona naman sa December 6 para nandoon ako sa mga concert na ito,” kuwento sa amin ng mabait na talent manager producer sa pakikipag-chat namin sa kanya sa Facebook.

Idinagdag pa ni Ms. Jackie na marami siyang planong gawing show at business sa pagpasok ng 2016. Good luck sa iyo Ms. Jackie.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …