Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola nagpuslit ng cocaine sa Kinder egg sa loob ng kanyang vagina

112515 kinder egg cocaine
PINATAWAN ng suspended sentence ang 73-anyos na lola sa pagtatangkang ipuslit ang ilang pakete ng cocaine at heroin at mga tranquilizer na nagkakahalaga ng 20 euro sa Fontcalent prison sa Alicante, Spain.

Tinangka ng lola ang pagpuslit ng ilegal na droga para maibigay sa kanyang anak na nakakulong sa na-sabing bilangguan. Isinilid ng suspek ang mga droga sa loob ng Kinder Surprise eggs na itinago niya sa kanyang vagina.

Sa nasabing krimen, pinatawan ang lola, na hindi na pinangalan, ng 21-buwang suspended prison sentence matapos ang pagdinig ng kanyang kaso sa korte.

Batay sa datos na isinumite sa korte, matapos isilid ang mga droga sa Kinder egg, ibinalot ng lola sa isang condom at saka ipinasok sa kanyang vagina.

Nang malaman ng suspek na isasailalim siya ng mga prison guard sa body search, agad niyang tinanggal ang kontrabando bago kusang-loob na ipinakompiska sa mga awtoridad para arestohin.

Sa Filipinas, ang ganitong modus ope-randi ng pag-smuggle ng droga sa loob ng prison ay nauso na rin ngunit dahil sa maigting na pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Peno-logy ay agad ding nasawata.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …