Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, sobrang hinahangaan ni Jobelle

112515 Jobelle Salvador JC de Vera
INAMIN ni Jobelle Salvador na isa siyang tagahanga ni JC de Vera na kanyang anak sa You’re My Home.  Noon pa siya nagagalingan sa aktor noong nasa Kapuso pa ito.

“Magaling siya, iba kasi ‘yung rehistro niya sa TV. Alam mong tatagal ‘yung bata, marunong siyang umarte, malalim ang akting niya. Kaya nasasabi ko na tatagal siya sa showbiz.”

Ngayong nakatrabaho na niya ang aktor, mas nadagdagan ang paghanga niya sa aktor lalo na ngayong nag-mature dahil madali raw itong katrabaho. Aniya, ”Never akong nag-expect that I will be working with him, tapos ‘yung nakita ko na siya, nag-iba na kasi, nag-mature na siya. Much, much better at ako pa nga ngayon ang naiilang. Kasi, siyempre kahit sino, maiilang ako sa kanila kasi lahat sila, they’ve had been active in acting. Naninibago ako sa kanila.”

Nasabi nito sa aktor ang pagiging fan nito kaya ganoon na lang daw ang pamumula ng aktor. ”Siyempre, hindi ko rin naman puwedeng ulit-ulitin ‘yun sa kanya, baka sabihin niya, may crush pa ako sa kanya eh, ang sa akin lang naman ay I’m a fan to him as an actor.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …