Katuwang ng Philippine Red Cross Rizal Chapter ang Aqueous Events na siyang kumontak sa mga performer na kasama sa show.
Tinawag itong The Big One dahil All Star Cast ang mga performer tulad ninaASAP20’s premier male singers and heartthrobs- Erik Santos, Richard Poon, Daryl Ong, at Markki Stroem; ABS-CBN Primetime Bida artists—Aaron Villaflor (All of Me), Richard Juan, at Mikee Agustin of PBB 737; The Voice of the Philippines top contenders— Thor, Suy Galvez, at Moira de la Torre;Youtube and Social Media sensations—-Upgrade, Bassilyo, Zendee Tenerefe, Monterozo twins, at Yexel Sebastian; Pinoy Dream Academy finalist- Liezel Garcia; Philippine Idol’s semi-finalist -Gail Blanco-Viduya at Pinoy Pop Superstars finalist-Brenan Espartinez at maraming iba pang surprise guests.
Sa ginanap na The Big One presscon handog ng Aqueous Events ay nakausap namin ulit si Thor na suki ng nasabing event management at sinabing masarap daw katrabaho ang nasabing grupo dahil organized at walang problema.
“Nalaman koi tong show first week of October pero matagal na yata nila itong binuo, so inalok ako ganoon, 1st week ng October,” sabi ni Thor.
Nasa Canada raw si Thor dahil nag-guest siya sa show ni Darren Espanto at kaagad niyang tinanggap ito.
Ang daming performers sa The Big One kaya tiyak na sulit daw ang mga bibili ng tickets dahil bawat performer ay tig-tatlong kanta, minus one.
Sabi ni Thor, ”masarap ang feeling na nakatulong ka na at nakakapagpasaya ka pa ng tao.”
Lahat ng taga-showbiz ay nakikiisa na sa mga ganitong klaseng proyekto lalo na sa mga biktima ng bagyo, lindol baha at iba pa.
Suki nga raw si Thor ng benefit show, ”hindi ko na mabilang kung ilan, mostly ‘yung maysakit ang nanay ng mga kaibigan ko.”
At dahil benefit show ay diretsong tanong namin kay Thor kung naniningil siya ng talent fee, ”no, I don’t charge.”
Okay lang ba iyon sa management company ni Thor kasi ang alam namin ay may sinusunod ding regulasyon ang mga kompanya na kahit benefit show ay may honorarium din dapat ang artist nila.
“’Yung management ko (Cornerstone Management Talent Agency), walang problema, kunwari may mga kaibigan akong magpapa-benefit show, nagpapaalam na ako (Erickson Raymundo) na, ‘sir kakanta ako, pro-bono ito, tapos sagot sa akin, walang problema.’ Minsan may honorarium na pang-gas na inaabot pero hindi ako nag-e-expect. But usually ‘pag benefit show, wala talaga kasi pangtulong sa maysakit,” paliwanag ni Thor.
Samantala, walang regular gig si Thor pero sangkaterba raw ang shows at events niya rito at sa ibang bansa kaya nagpapasalamat siya sa blessings na natatanggap niya.
“Babalik ako ng Canada sa February may solong show ako, plantsado na, hinihintay na lang ‘yung kontrata at kasama rin sa production ‘yung dad ni Darren,” sabi ni Thor.
At sa mga kababayan nating gustong tumulong din sa project ng Philippine Red Cross Rizal Chapter ay watch n’yo na ang The Big One, All Star Cast benefit show sa Ynares Sports Arena, Kapitolyo Pasig City sa Nobyemre 27, Biyernes, 8:00 p.m..
FACT SHEET – Reggee Bonoan