Aries (April 18-May 13) Bagama’t ang iyong professional situation ay hindi eksaktong malinaw, may pagkakataon kang ma-evaluate ang mga pangangailangan mo sa buhay at personal na mga oportunidad.
Taurus (May 13-June 21) Sa buong araw ay magiging kalmado at mag-e-enjoy sa mga aktibidad katulad ng pagluluto, halimbawa.
Gemini (June 21-July 20) Upang hindi mabigatan ang sarili sa pagpasan sa responsibilidad sa pamilya, sikaping makatulong din ang ibang mga miyembro.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ang pangangailangan sa warmth and coziness ay tumitindi.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaapektuhan maging ang iyong trabaho nang hindi mainam na kalagayan ng iyong pananalapi.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Matutukso kang isugal ang iyong ipon ngunit mapipigilan mo ang iyong sarili.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ipina-aalala ng mga bituin na mag-ingat hindi lamang sa paglalabas ng cash, kundi maging sa pangungutang o pag-invest sa projects ng iba.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi mo matugunan ang mga problema dahil abala ka sa ibang bagay.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mula sa nakapapagod na mga aktibidad, nanaisin mong mag-relax naman.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Iminumungkahi ng mga bituin na samantalahin ang oportunidad na makapag-relax at mag-enjoy na kasama ang mga mahal sa buhay.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kung nais mo ng safe haven, tiyak na matatagpuan mo ito sa inyong tahanan kasama ng pamilya.
Pisces (March 11-April 18) Tiyak na matatagpuan mo ang atmosphere ng emotional warmth at homey coziness sa inyong tahanan.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mahalagang pakinggan mo rin ang iyong intuition at iyong inner voice.
ni Lady Dee