DAHIL sa medyo malungkot ang boses at malamlam ang mga mata niSarah Geronimo nang humarap sa mga kaibigan sa media, niratsada talaga ito ng mga pagtatanong.
Nandiyan na nga ang break-up umano nila ni Matteo Guidicelli at pagkakasangkot pa ng name ni Shaina Magdayao, pero idinenay ito ni Sarah.
“Hindi po kami hiwalay at nasa punto na ako ng buhay ko na bahala na kayong mag-isip o magsabi tungkol sa mga isyung ganyan dahil masaya ako, masaya kami,” bahagi ng paliwanag ng Pop Royalty.
At kung bakit hindi nga puwedeng imbitahan ang bf niya na maging guest man lang sa upcoming niyang Sarah G: From the Top concert ngayong December 4 & 5, sey nito, ”napag-usapan na po namin iyan. Nagkasundo na po kaming hindi kami magsasama sa anumang showbiz projects o show gaya ng mga concert namin.”
There it goes mare!!!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus