ANG panganay na anak nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na si Pele Inigo ang kauna-unahang endorser ng Super Twins ng Megasoft Hygenic Products na pagmamaya-ari ng mag-asawang Emilio at Aileen Go.
Paano nga ba napapayag sina Jolina at Mark na tanggapin ang offer ng Megasoft upang maging endorser si Pele ng nasabing brand ng diaper?
“Natuwa kami na pinagamit muna kay Pele ‘yung diaper at humingi pa sila ng feedback and suggestions on how to improve their product. Na-appreciate talaga namin ‘yun. Very happy kami sa quality ng Super Twins from the very beginning kaya kampante kaming i-recommend sa ibang parents ang product,” sabi ni Mark.
MA at PA – Rommel Placente