DAHIL nagkaayos na sina Gerald Anderson at Kim Chiu at naging kaibigan na rin ulit ni Kim si Maja Salvador, kaya naman kung may offer daw kay Kim na proyekto na pagsasamahan nila nina Gerald at Maja ay tatanggapin niya raw ito. Na posible namang mangyari since pare-pareho silang under contract ng Kapamilya Network at Star Cinema.
“Wala namang magiging problema. Okay naman na kami ni Maja, okay din kami ni Gerald. So wala akong nakikitang masama kung magsasama kaming tatlo sa pelikula,” sabi ni Kim sa isang interview sa kanya.
Ayon pa kay Kim, past is past na raw. Kaibigan na raw niyang muli ang ex boyfriend at naniniwala itong time heals all wounds. Ayaw na raw niyang magtanim ng sama ng loob kanino man.
Nang mahingan si Kim ng reaksiyon tungkol sa sinabi ni Gerald na gusto na raw nitong maging isang mabuting boyfriend sa next girl na makakarelasyon, ang sabi ni Kim, ”Nasa tao naman yun. Kung gusto niya, magagawa niya. Hayaan na natin siya. Basta gusto ko rin mahanap na niya ‘yung tamang girl para sa kanya.”
MA at PA – Rommel Placente