BAGAMAT walang serye si John Lloyd Cruz, hindi makatarungang indirectly ay palutangin na laos na siya at i-post ang ‘laos’ interview niya sa social media. Unfair ‘yan sa kagaya niya na nag-akyat ng milyones sa network at production outfit na kinabilangan niya. Mahaba ang lalakbayin sa showbiz ni Lloydie. Choice ni JLC kung hindi natuloy ang serye niyangBridges Of Love.
Ang isang mahusay na actor na gaya ni Lloydie ay hindi mabubura sa showbiz. Tama nga naman na hindi siya matakot malaos dahil may kalalagyan sa showbiz ang kagaya niyang magaling at wala namang attitude sa trabaho. Never namang nabalitaan na naging unprofessional siya o nagbigay ng sakit ng ulo sa production.
Kahit weekly lang siyang napapanood sa comedy show na Home Sweetie Home with Toni Gonzaga, mataas naman ang ratings at madalas ay kasama sa top 15 base sa Kantar Media.
Samantala, buhay na buhay na naman ang movie career ni John Lloyd dahil showing ngayong November ang comeback movie nila ni Sarah Geronimo.
Pasok na rin sa Metro Manila Film Festival ang kanyang pelikula naHonor Thy Father. Ginawa ni Lloydie ang movie na ito na natsa-challenge ang artistry niya at nag-grow ang craft niya.
TALBOG – Roldan Castro