AYAW paawat ang pagiging hottest actor ni Alden Richards. Pagkatapos ni Yaya Dub, siya naman ang pinagbabantaang ingatan ang social media account dahil pakikialaman daw ito sa Friday ng hacker.
Gaya ni Yaya Dub, 2.4-M na rin ang followers ni Alden sa kanyang Twitteraccount. Dapat ay bigyan na rin siya ng Twitter ng special security features para sa account niya gaya nina Justin Bieber at Maine Mendoza.
Natawa tuloy kami sa comment ng isan fan sa PEP (Philippime Entertainment Portal) na subukan daw na i-hack ang social media account ni Alden dahil mag-i-enroll siya sa IT school para ma-hack din angAnonymous Philippines. Binalaan din niya ito na ‘wag pakialaman si Alden.
Dagdag pa ng isang fan, wala silang makakalkal na baho kay Alden o madilim na nakaraan. Open book ang pagiging mabuting tao nito.
Sey nga ni Lola Nidora, ”’Yung mga Twitter niyo, di ba, kasi parang bahay mo na rin ‘yan. Naroon ang saloobin mo, ‘yung saya, ‘yung lungkot, ‘yun iniisip.Huwag na huwag namang tini-trespassing. Hindi maganda ‘yan.”
TALBOG – Roldan Castro