Thursday , June 4 2026

Regine, isasakatuparan pa rin ang pangarap ni Mang Gerry

102915 regine mang gerry

00 SHOWBIZ ms mPANGARAP din pala ni Mang Gerry, ama ni Regine Velasquez na makapag-perform ang Asia’s Songbird sa isang teatro. Kaya naman bale katuparan din ni Mang Gerry at ni Regine ang upcoming concert niyang Regine…At The Theater sa The Theater ng Solaire Resort and Casino sa Nobyembre 6,7,20, at 21.

Naikuwento ni Regine na matagal nang gusto ni Mang Gerry na gumawa siya ng ganitong klase ng show. ”Buhay pa siya talaga noong kino-conceptualize ko ito at parang hinihintay niya nga na gagawin ko. Unfortunately ‘di ko nahahanapan ng tamang panahon, ng tamang schedule. Tapos nabuntis na ako, nagkaroon ng bagets, mas lalo akong naging busy.

“I think it’s supposed to happen now dahil marami ring mahilig ngayon sa mga musical, so itinaon na ngayon siguro. Ito na talaga ang tamang panahon,” giit ni Regine.

Bagamat mala-Broadway ang tema ng concert ni Regine, hindi naman iyon nangangahulugang ang repertoire niya ay puro Broadway songs.

102915 regine velasquez theater

“May final lineup na. It has to be a good mix dahil I also sang a lot of Broadway songs na rin naman in the past. So nagde-debate kami if I will still sing those songs or new ones, ones that I’ve not done before. Hopefully tama ‘yung mix namin. Ibinigay ko naman kung ano ang expected, at the same time I’m singing some new ones, some musical songs that I’ve never performed before. And then siyempre ‘yung mga iniisip din ng mga tao na kakantahin ko o ‘yung expected nila na kakantahin ko,” paliwanag pa ni Regine habang nagdo-drawing ito habang ongoing ang presscon.

Sinabi pa ni Regine na ito ang isa sa pinakamahirap niyang concert in her entire career.

Naitanong namin kung mayroon bang makikitang mga special effects tulad ng mga nauuso ngayong umiilaw-ilaw na gown or whatsoever. Ani Regine hindi man ganoon ka-hightech, iba ang mga special effects na makikita na tiyak ikatutuwa at magugustuhan ng sinumang manonood ng concert.

Samantala, sinabi nanan ni Cacai na hindi allowed ang picture taking at video recording sa loob ng teatro. Kaya pakiusap niya sa mga manonood na iwasang gamitin ang mga camera ng cellphone o anumang gadget para makakuha ng picture o video dahil kung hindi posibleng kumpiskahin ito.

Mabibili naman ang tickets ng Regine…At The Theater sa mga SM cinemas o sa SM Tickets, mag-log-on lang sa www.smtickets.com..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …