Thursday , June 4 2026

Anak ni Amy na si Adi, aampunin na ng asawang si Carlos

102815 amy perez adi carlos

00 SHOWBIZ ms mHINDI itinago ni Amy Perez na masaya siya na inaayos na ang adoption papers ng anak niyang si Adi para maging legally adopted ng kanyang asawang si Carlos Castillo.

Nabanggit ito ni Amy nang makausap namin sa presscon ng Strike Multi-Insect Killer ng ATC Healthcare kasabay ang pagsasabing malaki ang naitutulong ng produktong ito para maging dengue-free ang kanilang pamamahay sa abot-kayang halaga.

Bale si Adi ay anak ni Amy sa una niyang asawa na si Brix Ferraris, na dating bokalista ng South Border.

Ani Amy, kakaumpisa pa lang ng pagpo-proseso ng papeles pero natutuwa siyang mabilis ang nagiging aksiyon dito. ”Kumbaga, alam naman ng lahat ng tao sa city hall ‘yung istorya namin, so lahat sila very happy sa progress na, ‘Uy, ia-adopt na.’” na five months lang daw ang inabot ng pag-aayos ng papers na ang iba’y umaabot ng isang taon.

102815 amy perez strike ATC
Hindi na raw kailangan ng approval ni Brix para sa adoption ni Adi dahil nasa legal age na ito. ”Kasi 18 na siya, eh,” paglilinaw ni Amy.

Samantala, sa kagustuhang makatulong ng ATC Healthcare sa lumalalang problema sa Dengue, inilunsad nila ang Strike, Depensa Laban sa Denguekasama si Amy bilang brand advocate para makatulong mabawasan at maiwasan ang paglala ng Dengue.

Naniniwala ang marami sa atin na ang prevention ay isang mabuting pamamaraan kaya naman nag-develop ang ATC Healthcare ng epektibong produkto na talagang makakalaban sa dengue, ito ay ang Strike Multi-Insect Killer Spray bukod pa sa ilang  helpful tips na ibinahagi ni Amy kung paano mapo-proteksiyonan ang pamilya laban sa dengue. In-advise niya ang paggamit ng multiple lines of defenses tulad ng Strike Multi-Insect killer Spray, Strike Coil, Strike Liquid Repellant, Strike Mat, at Strike Patch.

Kasama ni Amy sa paglulunsad bilang brand advocate sina ATC Healthcare’s Chairman, Mr. Albert Chua, President/CEO Mr. Derick Wong, at Marketing Manager Louie Albert.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …