Monday , March 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tibay ng dibdib tibay ng puso (2015 Milo Little Olympics)

102715 Milo Little Olympics
MAHIRAP talunin ang isang taong hindi sumusuko, minsang wika ni Babe Ruth—isa sa pinakadakilang manlalaro sa larangan ng baseball.

Sa mga katagang ito hinugot ni Gobernador Ramil Hernandez ang pag-hamon sa mga lumahok na kabataang atleta sa isinagawang national championships ng 2015 Milo Little Olympics na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

“Maipapakita ng mga kabataan dito ang tibay ng kanilang galing sa napili nilang laro… ang tibay ng dibdib para maitawid hanggang matapos ang kanilang laro, tibay na makipagsalamuha at makipagkapwa-tao sa kanilang mga kakampi at katunggali, at tibay ng puso na makayanan at tanggapin ang pagkatalo,” idiniin ng pinamataas na opisyal ng lalawigan.

Itinuring ng gobernador ang Milo Little Olympics na hindi makakalimutang kaganapan sa larangan ng palakasan na napakahalaga sa paghubog ng pagkatao ng atleta, partikular sa mga kabataang estudyante na mula sa iba’t ibang eskuwelahan ay lumahok para makipagtagisan ng kanilang galing sa sports.

Hindi rin isinantabi ni Hernandez ang paghihirap ng mga magulang ng mga kalahok sa taunang Olimpiyadang pinangunguna-han ng Milo.

“Kung hindi sa inyong mga magulang,” punto niya sa mga kabataan, “hindi ninyo mararating ang inyong kinaroroonan ngayon. Mahalaga ang walang-sawang suportang ipinagkaloob sa inyo ng inyong pamilya at ga-yon din ng inyong pangalawang magulang—ang inyong mga guro,” aniya.

Binanggit din ng gobernador ang mati-yagang paggabay ng mga alkalde na humikayat sa bawat kabataan para ipagpatuloy nila at kompletohin ang kanilang ma-tinding training para makamit ang kanilang inaasam na maging kampeon at bayani ng kanilang pinagmulang lungsod o lalawigan.

 

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Pilipinas pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup

Pilipinas pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup

GOLD COAST — Nagningning ang beteranang sina Angela Beard at Jacklyn Sawicki sa ikalawang bahagi …

Growee-Manila Swim Meet TOPS

27 koponan, aarangkada sa Growee-Manila Swim Meet

TINATAYANG mahigit 300 batang atleta mula sa 27 koponan ang magtatagisan ng husay sa nalalapit …

AFC Womens Asian Cup Australia PH vs Uzbekistan

PH haharap sa Uzbek White Wolves para sa puwesto sa World Cup

SASAILALIM sa matinding pagsubok ang Philippine national women’s football team sa pagharap laban sa Uzbekistan …

TOPS Tabloids Organization in Philippine Sports

Manila Swim Meet sa TOPS Usapang Sports

SENTRO ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ …

volleyball all star Candon City Ilocos Sur

Candon City, magho-host sa pagbabalik ng Volleyball All-Star event

MAGBABALIK ang inaabangang Volleyball All-Star Showcase kung saan muling magsasama-sama ang mga star ng propesyonal …