Wednesday , May 8 2024

First baby, ginagawa na nina Richard at Maricar

102615 richard poon maricar reyes
GUSTO pala ni Richard Poon na ‘wife-centered marriage’ muna ang first two years ng buhay may asawa kay Maricar Reyes. At ngayong nakadalawang taon na sila ay handa silang magka-baby.

“We’re okey, maraming adjustments. We planned na two years wala munang baby so, this is the year. We’re trying to have a baby na sana.  We started in June pero wala pa, siguro in God’s time,” paliwanag nito.

Nilinaw ng mang-aawit na natural method ang kanilang ginamit at walang condom para hindi magbuntis ang aktres. “Actually, natural lang, doktora si Maricar, ‘di ba? So, alam niya ‘yung dates na ‘di puwede, ‘yung fertile period niya.  So, natural method lang. Calendar method lang, just counting it.”

Inamin nitong prioridad nilang isang baby boy ang maging panganay nila dahil sa pamilyang Tsino, lalaki ang gusto nilang panganay.  ”Puwede rin ang girl pero usually, ‘pag Chinese family, lalaki eh, negosyo eh,” pahayag pa ni Richard.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABILni John Fontanilla NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine Diaz, Clem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *