Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

One More Chance 2 nina Lloydie at Bea, sisimulan na!

102115 john lloyd bea alonzo

00 fact sheet reggeeMAY part two pala ang pelikulang One More Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo Ateng Maricris at panay na ang tanong sa amin ng mga kaanak namin sa ibang bansa kung kailan ipalalabas ito dahil excited na silang mapanood muli sina Popoy at Basha.

Oo nga naman, dahil maraming naka-relate sa pelikulang ito na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina na ipinalabas noong 2007 kasama rin si Maja Salvador sa papel na Trisha.

Tanda mo Ateng Maricris na maraming gumaya sa buhok ni Maja noong mga panahong iyon na ayon din kay direk Cathy ay sadyang ito ang trademark ng pelikula niya na bagong hairstyle.

Kaya nalaman ng mga taga-ibang bansa na may One More Chance 2 ay ito raw kasi ang pangako ng dalawa noong nagpunta sila ng Europe na abangan ang sequel ng pelikula nila.

Kaya pala nagkaroon ng promo tour sina Lloydie at Bea kamakailan para sa coffee table book na One More Chance na feeling din namin ay shooting na rin iyon.

Inalam namin ito sa taga-ABS-CBN at kinompirma nga na may part two sa pag-iibigan nina Popoy at Basha at hindi lang binanggit kung ano ang magiging takbo ng kuwento.

Sa madaling salita sina Lloydie at Bea ang susunod na project ng Star Cinema, anong nangyari sa John Lloyd at Sarah Geronimo na sabing gagawa rin ng pelikula?

Natanong din kami ng mga kaanak naming kung may sequel din ba ang pelikulangStarting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga at My Amnesia Girl na sina Lloydie at Toni ang bida.

Sana raw ay mayroon din dahil ang sarap ulit-uliting panoorin ang mga nabanggit na pelikula.

Ganoon, anong lasa ba? Kasi masarap daw, eh….

Anyway, kami rin ay excited sa pagbabalik nina Popoy at Basha sa malaking telon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …