MAPAPANSIN mong nais mong lumabas ng bahay upang pagbutihin pa ang ilang mga ideya. Ayon sa ilang mga tao, ang museum, cathedral o hotel flyover ang mainam para rito.
Habang sa iba naman ay sa pag-akyat sa mga bundok at sa pagtanaw sa mga karagatan.
May mga sandali sa loob ng isang araw o sa ilang mga buwan, na madali kang makapag-isip ng mga ideyang nais mo.
Itinuturing na great ‘ideas’ environment ang loft space. Habang nasa tuktok ka ng gusali, nalalantad ka sa higit na vertical chi.
Maaari mong buhayin ang iyong creative chi “internally” sa pamamagitan ng meditasyon at breathing techniques.
Sa direksyon ng iyong mukha habang nakaupo, nalalantad ka sa isa sa walong direksyon ng chi. Sa pamamagitan ng pagpili ng isang partikular na direksyon, masasagap mo ang marami sa nasabing chi, kaya naman mas magiging madali para sa iyo ang pagiging malikhain.
Sa salamin, parang lumalawak ang espasyo at nakatutulong sa pagpapabilis ng daloy ng chi, na magreresulta sa higit na buhay at stimulating environment.
Ang artwork sa loob ng isang kuwarto ay maaaring magpasiklab sa ilang though patterns. Maaari ring makabuo ka ng ugnayan sa ilang piraso ng arts at makaramdam ng creative feelings.
Kung maraming kalat, mahahadlangan nito ang pagdaloy ng chi. Bagama’t makatutulong ito upang maging komportable ang pakiramdam at panatag, hindi ito ideyal kung kailangan mo ang nasabing outside stimulus upang makapagbuo ng original idea.
Ang sounds o tunog ay naghahatid ng chi habang ito ay nagba-vibrate sa pamamagitan ng hangin at habang patungo sa iyong chi field. Ilang mga tunog ang maaaring makaapekto sa iyong chi sa paraang ikaw ay magiging mas malikhain.
ni Lady Choi