Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yael, deadma sa ginawang paghalik ni Vice kay Karylle

092915 karylle vice yael

00 fact sheet reggeeUMANI ng batikos sa social media ang paghalik ni Vice Ganda kay  Karylle sa labi sa harap ng madlang people na nanood sa Smart Araneta Coliseum sa ginanap na 6th year anniversary ng It’s Showtime.

I Kissed A Girl ang titulo ng awiting kinanta ni Vice sa production number niya na at lalaking-lalaki ang dating niya.

Nilapitan ni Vice si Karylle at sabay halik sa labi na ikinaloka ng lahat ng tao sa Big Dome maging ang asawa ni K ay nakita rin ang pangyayari.

Kaya tinanong namin si Vice tungkol sa paghalik niya kay Karylle kung scripted ito.

“’Yun kasi ‘yung sabi sa kanta, I Kissed A Girl (sinunod ko). Naktutuwa na we make fans happy,” sagot ni Vice sa amin.

First time ba ni Vice na humalik ng babae sa labi?

“Lagi naman akong kini-kiss ng mga friend kong girls, kahit si Anne (Curtis), pag-trip nila akong harutin,” sagot ni Vice.

At wala naman daw reaksiyon si Karylle, ”keri lang naman si Karylle, nagbibiruan pa nga kami nina Yael sa dressing room, good vibes lang, basta happy lahat.”

Oo nga, maging si Yael ay deadma rin at hindi naman kailangang humingi ng permiso sa kanya maski na anong panggagatong ng bashers.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …