Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine at 2 leading man, natabunan sa pagsulpot ni Bryan

090415 jasmine curtis Brian Poe Llamanzares
AWARE kaya si Bryan Poe Llamanzares na naka-istorbo siya sa presscon ni Jasmine Curtis-Smith para sa bagong serye nitong My Fair Lady produced ng TV5 sa biglaNG pagsulpot niya ng walang kaabog-abog?

Akala tuloy ng karamihan ay parte si Bryan ng My Fair Lady dahil feeling leading man nang tumabi pa kay Jasmin para sa photo op nito sa tarpaulin ng TV5 na siyang nalathala sa mga pahayagan at social media.

Sa madaling salita, natabunan ni Bryan si Jasmin kasama na ang leading men nito sa My Fair Lady.

Eh, baka nga naman may special participation siya sa serye ni Jasmin, ano sa palagay mo Ateng Maricris?

Ang katwiran ni Bryan, gusto niyang makilala si Jasmin na long time crush niya noon sa eskuwelahan na pinasukan nila at nagpasalamat nga raw siya sa kaibigan niya na nag-set para magkakilala sila.

Nakakatawa dahil libreng publicity ito para kay Bryan at the expense of TV5?

Na alam naman ng lahat na anak siya ni Senator Grace Poe na kakandidato sa mas mataas na posisyon at ang tsikang nalaman namin ang may hawak pala ng presscon ng My Fair Lady ay ang Publicity Asia na siya ring kinuhang publicity agency ng senadora para sa kandidatura niya.

Ano kayang say ng TV5 management dito?

Anyway, sino na kaya ang bagong direktor ng My Fair Lady dahil hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin si direk Ricky Rivero na inatake habang isinu-shoot ang pilot episode ng nasabing serye dalawang linggo na ang nakararaan.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …